How to Avoid Online Shopping Scams (2025)

Online shopping scams are everywhere these days, especially in the Philippines. Lazada, Shopee — parang extension na ng mall. Minsan, simpleng ₱50 gadget lang, minsan naman ₱15,000 phone. Lahat pwede i-checkout in just a few clicks.

Pero syempre, kasama rin sa convenience ang risks. Bago tayo magbayad, automatic tinitingnan muna natin ang reviews. Feeling natin safe kasi may nauna nang bumili. Pero ang problema? Hindi lahat ng reviews at sellers ay legit. May mga nagbabayad para sa 5-star ratings o gumagamit ng bots para dumami agad. At ayun, ikaw na lang ang naloloko.

Sa article na ito, ibabahagi ko yung mga practical tips kung paano maiwasan ang online shopping scams, kasama na ang mga common tricks and how to avoid online shopping fraud sa bawat purchase mo.

Spotting Fake Sellers Online

Isa sa pinaka-common na scam sa online shopping ang mga fake sellers online. Madalas, napakamura ng kanilang items, mga “limited stock,” o “rare finds” na para bang kailangan mo ito agad na bilhin. Pero kapag nabayaran mo na maiinis ka nalang dahil ibang dumating o di kaya wala palang laman. Noon napabalita na natanggap ng buyer sa loob ng packaging ay bato pala.

Red Flags to Watch Out for When Shopping Online

  • Mga Reviews na paulit-ulit lang at para bang generated tulad ng mga translated sa tagalog na mga reviews.
  • Ang Presyo sobrang mura kumpara sa market rate — “too good to be true” talaga
  • Ang Seller profile incomplete o di kaya hindi siya verified

Practical Tips: Bago ka bumili, siguraduhing i-check muna ang seller rating, review history, at kung meron bang return o refund policy. Nadale na rin ako sa “too-good-to-be-true” items kaya natutunan kong laging mag-double check.

Huwag kalimutan maghanap ng reviews na may totoong photos galing sa buyers. Kahit medyo blurred o nakalatag lang sa table, iyon ang totoong feedback. Kung sobrang perfect at parang professional ang pagkakuha, malamang galing iyon sa seller.

Phishing Scams Online Shopping: Protektahan ang Info

Ang phishing scams online shopping ay isa pa sa karaniwang ginagawa nila. Sinusubukan ng scammers na makuha ang personal info mo gaya ng passwords, bank details, o OTPs. Madalas, nagpapadala sila ng fake emails o messages na mukhang galing sa Lazada, Shopee, o payment apps tulad ng GCash.

  • Ang Website URL hindi tumutugma sa official website
  • Humihingi ng OTP, password, o credit card info
  • Pop-ups na nagsasabing nanalo ka ng prize

Tip: bago i-click ang link, i-verify mo muna. Gamitin palagi ang official apps o websites at huwag basta-basta magbibigay ng iyong personal info. Minsan, may mga fake Facebook ads o Messenger links rin na ginagamit para manloko ng mga buyers. Sabi nga Think Before You Click siguraduhin mabuti na tama ang link na i-click mo

Be Alert sa Cash-on-Delivery Scams

Even sa Cash on Delivery (COD), may risks pa rin. Maraming cash-on-delivery scams dito sa Pilipinas. Madalas, ang nangyayare ay fake deliveries, sobra ang singil, o minsan hindi naideliver ang item.

Mga Tips para maiwasan ang COD scams:

  • Siguraduhing credible ang seller bago mag-COD o Cash on Delivery.
  • Request ng clear delivery details, mas maganda kung meron video na ipapakita mas maganda kung naka Video Call kayo habang niprepare ang items at habang ipinapadala ito.
  • I-report agad ang failed delivery o suspicious seller sa mga platform.

Kahit maliit lang na order, tulad ng ₱100 na items, puwede ka pa ring maloko kung hindi ka maging maingat. Kaya laging i-double check at maging alerto sa COD. Ngayon sa Shopee isa sa nagustuhan kong features nila ay puede mong buksan muna ang items bago mo bayaran.

How to Avoid Online Shopping Fraud

Ngayon alam na natin ang mga common online shopping scams, paano natin maiiwasan ang online shopping fraud? Here are some practical tips you can follow:

  1. Verify Sellers First – Basahin muna ang mga reviews kasama na ang ratings ng kanilang shop, at tingnan din ang profile ng seller. Huwag na huwag kang basta-basta bibili sa bagong seller na walang track record mahirap na.
  2. Read Reviews Carefully – Hanapin ang real buyer photos at ang mga detalyado at talagang totoong mga experience ng mga bumili na dito. Mas reliable ang review kung naglalarawan ito ng actual experience kaysa sa generic na “Good product” o para bang translated na mga reviews na nabanggit natin kanina sa article na ito.
  3. Avoid Too-Good-to-Be-True Deals – Sobrang mura kadalasan red flag. Kung parang sobra sa mura sabi nga natin kanina too-good-to-be true magduda ka na.
  4. Use Trusted Payment Methods – Katulad ng GCash, Maya, credit card, o COD na may tracking. .
  5. Report Suspicious Activity – Lazada at Shopee allow reporting ng fraudulent sellers. Mainam rin na i-share sa mga friends mo para maiwasan din nila.

Mas mabut na maglaan ng ilang minuto sa pag-check ng reviews at sa profile ng seller makatulong ito para mas makakaiwas ka sa hassle at sa palpak na produkto o items.

Real-Life Tips para sa Mas Safe na Shopping

Bukod sa mga steps na nabanggitan na natin, Ito pa ang ilang tips para mas maging smooth ang online shopping experience natin:

  • Huwag kang basta basta mag-click sa promo links sa social media. Maraming fake ads at phishing attempts.
  • Hanapin ang mga reviews na may positive at negative points. Natural lang na may pros and cons ang bawat product.
  • I-track palagi ang delivery at laging i-verify kung natanggap na ba talaga ang item.

Shop Smart, Stay Safe

Sa Pilipinas, common na ang online shopping scams, pero hindi ibig sabihin nito na hindi ka na puwedeng mamili online. Basta maging maingat palagi mula sa fake sellers online, hanggang sa phishing scams online shopping, at mga COD tricks at i-check palagi ang seller credibility, basahin ang mga detalyadong reviews, at gumamit ng mga legit na payment methods. Sa ganitong paraan, alam mo kung paano maiwasan ang online shopping fraud at makakaiwas sa online shopping scams.

tips to avoid online shopping fraud, fake sellers, online and phishing scams online shopping also a cash-on-delivery scams
avoid online shopping fraud, fake sellers online, cash-on-delivery scams

Shopping should be fun, hindi iyan stressful.

Kaya bago ka mag “Place Order” sa Lazada o Shopee man, Lagi mong tandaan ang tips na ito para mas madalas kang makahanap ng sulit na mga produkto at maiwasan ang mga budol moments.

Happy at safe shopping, mga ka-Suki!

Share Now

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *