How to spot fake reviews lalo na sa mga online shopping tulad ng Lazada at Shopee — parang extension na ito ng mall. Minsan simpleng ₱50 may makukuha ka ng items para sa iyong kitchen, minsan naman ₱15,000 na halaga ng smartphone. Lahat pwede mong i-checkout in just a few clicks.
Pero eto ang catch: bago tayo bumili, automatic tinitingnan muna natin ang reviews. Feeling natin mas safe kapag may ibang nauna nang bumili. Parang sila na yung guinea pig, tayo na lang yung susunod.
Ang problema? Hindi lahat ng review na nakikita natin ay legit. May mga sellers na nagbabayad para sa 5-star comments, minsan bots pa ang ginagamit para dumami agad ang ratings. Kaya kahit mukhang sulit online, minsan pagdating sa bahay — boom, budol.
Ako mismo ilang beses nang nadali dito. Kaya natutunan ko na dapat marunong ka ring magbasa between the lines. Hindi para maging paranoid sa lahat ng item o hype palagi para hindi sayang ang pera.
Sa article na ito, i-share ko ang Lazada Shopee shopping tips at kung paano ko chine-check kung may shopee fake reviews o lazada fake reviews ba. Para sa susunod mong checkout, sure ka na sulit at hindi sayang.
How to Spot Fake Reviews: Lazada & Shopee Shopping Tips
Check Buyer Photos for Authenticity: Lazada & Shopee Fake Reviews
Alam mo yung feeling pag dumating na yung parcel? Excited ka to open it, tapos ang first instinct mo is i-compare kung pareho ba ng itsura sa photos online. Kaya mahalaga ang customer-uploaded photos sa reviews.
Kung wala kang nakikita kahit isang buyer photo, medyo questionable na ito agad. Kahit super cheap item, usually may isang suki reviewer na magpo-post ng actual picture — minsan medyo blurred, minsan nasa sahig lang nakalatag, pero at least legit.
Example: bumili ka ng “heavy-duty” phone stand. Ang ganda ng photos sa reviews, pero halos stock images lang pala. Pagdating sa bahay, hindi man lang kaya buhatin yung phone mo — nalaglag agad. Ibig sabihin Scripted reviews pala!
Lesson: Always compare uploaded photos with the official ones. Kung sobrang perfect o pareho ng nasa product page, malamang fake. Ang Totoong buyers madalas ay hindi siya nag-e-effort sa lighting o angle — click lang ng pic, upload, tapos done.
Read Beyond the 5-Star Ratings: Spot Fake Reviews Online
Minsan nakaka-tempt yung mga produkto na puro 5-star reviews. Pero isipin mo rin — totoo bang walang buyer na nagkaroon ng reklamo? Kahit sa pinakamahal na iPhone, may nagrereklamo pa rin.
Huwag lang puro stars ang basehan. Basahin rin ang mismong comments. Kung pare-pareho ang wording, parang kopya lang, tapos generic na “Nice product, fast delivery” — red flag na agad. Ang totoong buyers kadalasan nagkukwento ng experience nila:
“Medyo late dumating pero sulit kasi maayos ang quality.”
“Akala ko malaki, pero maliit pala — buti na lang matibay.”
Pro tip: kapag mahaba at detalyado ang review, lalo na may kwento kung paano ginamit yung item, mas malaki chance na legit. Fake reviews bihirang mag-effort ng ganito.
Watch Out for Suspicious Patterns: Lazada Shopee Shopping Tips
Isa pang tip: look for patterns. May mga items na puro glowing reviews pero halos sabay-sabay na-post sa loob ng 1–2 days. Weird, diba? Parang may mass order.
Legit buyers leave reviews over time — isa ngayon, isa next week, tapos sa sunod naman na buwan. Kapag flooded sa isang date range, malaki ang chance na binayaran o scripted.
Example: bumili ka ng earbuds taposs nakita mo na marami naman na reviews pero halos lahat within 3 days lang at 5 stars with same wording. Pagdating ng item, tunog lata pala.
Lesson: huwag basta bumase sa dami ng reviews, tingnan din ang negative reviews puede mo siyang i-filter.
Look Into Reviewer Profiles for Fake Reviews
Kung duda ka pa rin sa mga reviews, silipin mismo ang kanilang profile.
Napansin ko dati, may mga product na sobrang taas ng rating. Na-Curious ako, kaya binuksan ko ang profile ng reviewer. Halos lahat ng reviews niya puro 5 stars, generic na comments at walang picture. Real buyers usually may mix ng reviews — minsan tuwang-tuwa, minsan may reklamo, minsan rant pa nga. Sobrang perfect ng profile? Either binayaran o isa lang siyang account na pang-review.
Trust Reviews with Balanced Feedback: How to Spot Fake Reviews Online
Para malaman mo kung fake ba ang reviews, hanapin palagi yung mga reviews na may good side at bad side kumbaga hindi palagi positive ang mga sinasabi sa reviews, Perfect Yarn?!
“Okay ang sound quality, mahina naman ang bass.”
“Maganda naman siya pero maliit lang pala sa personal.”
Mas kapanipaniwala pa ang mga ganito kaysa sa “Perfect! Highly recommended! Buy now!” Kasi sino ba naman ang 100% satisfied sa lahat ng bagay? Lalo na kung marami ng sold items lahat pare-pareho ang sinasabi. Eh, di siya na!
Minsan, helpful rin yung may reviews:
“After 3 months, okay pa rin.”
“Nasira agad after 1 week.”
Alam mong galing sa totoong experience, hindi scripted.
Conclusion: Lazada Shopee Shopping Tips & Avoid Fake Reviews

Online shopping will always have a bit of gamble. Minsan sabi nga naka-jackpot ka, minsan naman talo. Pero kung marunong ka magbasa at mag-analyze ng reviews, mas malaki ang chance na sulit yung mabili mo kaysa maging budol ito.
Sikreto: huwag agad magpabulag sa dami ng stars. Mas mahalaga yung actual photos, detalyadong kwento ng buyers, at consistent feedback. Oo, dagdag effort ang kailangan, pero sulit ang ilang minuto mo para i-check ang reviews kumpara sa ilang buwan ng inis kapag palpak pala yung nabili mo.
Sa dulo, dapat enjoyable ang shopping, hindi parang stress test. Kaya bago mag-“Place Order” sa Lazada o Shopee, tandaan mo ‘tong tips. Sana makatulong sayo ang Lazada Shopee shopping tips na ito, at makaiwas ka sa mga shopee fake reviews at gayundin sa mga lazada fake reviews.
Happy shopping, mga ka-Suki!